Trike vs truck: mag-utol utas

MANILA, Philippines - Patay ang magka­patid na bata habang anim naman­ ang malubhang na­sugatan makaraang mabangga ng dump truck ang kasalubong na traysikel sa highway ng Barangay Salvacion sa bayan ng Murcia, Negros Occidental kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga biktimang sina Jona Porque at Jessie Porque na kapwa mga mag-aaral sa Sta. Cruz Elementary School at nakatira sa Brgy. Sta. Cruz.

Isinugod naman sa pa­gamutan ang mga sugatang sina Janet Porque, ina ng magkapatid; Sanday Sarcino, may-ari at driver ng traysikel; misis nitong si Maria Jenny Sarcino, anak na si John Mark at dalawa pang bata na hindi natukoy ang pangalan.

Nabatid na ang mga biktima ay patungo sa kaba­yanan ng Murcia upang dumalo sana sa kapiyestahan ng Immaculate Concepcion ng maganap ang trahedya.

Sa inisyal na imbestigasyon, pumutok ang gulong ng traysikel ni Sarcino kaya nagpaekis-ekis ito hanggang sa tuluyang nabangga ng dump truck na kargado ng buhangin.

Show comments