Lolo dinedo dahil sa basura

ILAGAN CITY, Philippines  – Napatay ang 63-anyos na lolo na sinasabing sinermunan ang misis ng kanyang kapitbahay dahil sa pagtatapon ng basura sa kanyang bakuran matapos pagbabarilin sa Barangay  Bayubay, San Vi­cente, IIocos Norte noong Sabado. Kinilala ng pulisiya ang biktima na si Mario Reprima, dating kawani ng Ilocos Sur Electric Cooperative habang naaresto naman ang suspek na si Nestor Catacutan, 44. Sa imbestigasyon ng pulisya, nadatnan ng suspek na pinagsasabihan ng biktima ang kanyang misis dahil sa pagtatapon ng basura sa bakuran ng matanda. Bunga nito, nagkasagutan ang dalawa hanggang sa ratratin ng suspek ang matanda.

Show comments