Trike nahulog sa bangin

CAMARINES NORTE, Philippines - Isa ang iniulat na nasawi habang labing-isa naman ang nasugatan matapos mahulog ang traysikel sa malalim na bangin sa Barangay Suwaigot sa Tabaco City, Albay kamaka­lawa ng hapon. Ayon sa ulat ng pulisya, pumutok ang gulong ng traysikel ni Sonny Arsigabon na may lulang mga pasaherong estudyante mula sa Bantayan National High School. Dito nawalan ng kontrol ang driver kung saan nagtuluy-tuloy sa bangin kung saan nasawi Marilou Capuz, 17,  habang naisugod naman ang mga sugatan sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital.

 

Show comments