JI terrorist dedo sa arresting team
MANILA, Philippines - Umiskor ang pinagsanib na elemento ng militar at pulisya matapos na mapatay ang isa sa miyembro ng Jemaah Islamiyah (JI) terrorist na nanlaban sa arresting team sa compound ng Mindanao State University Compound sa Marawi City noong Huwebes ng gabi.
Batay sa ulat ni Army’s 103rd Infantry Brigade commander Brig. Gen. Daniel Lucero, kinilala ang JI terrorist na si Ustadz “Izhak” Sanusi na sinasabing kabilang sa pitong JI terrorist na tinutugis sa rehiyon ng Mindanao.
Sinasabing nanlaban si Izhak sa mga operatiba ng pulisya at militar kaya malubhang nasugatan kung saan nagawa pang maisugod sa Amai Pakpak Hospital pero binawian din ng buhay.
Si Izhak ay may mga kasong arson at murder na inisyuhan ng warrant of arrest ni Judge Oscar Noel Jr. sa Mansion, Sarangani.
Narekober kay Izhak ang isang granada at M16 rifle.
- Latest