Sekyu todas sa kabaro

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng security guard matapos makipag-agawan ng baril sa kabarong sekyu sa Barangay III, sa Vigan City, Ilocos Sur kamakalawa. Napuruhan sa  dibdib si Eris Barrel, nakatalga sa BQR Bldg at nakatira sa Barangay Ubbog Kinabete, Pilar, Abra habang sugatan at nasa custody ng pulisya ang sekyu na nakilala lamang sa alyas Perilla ng Barangay Capangpangan, Vigan City na nakatalaga sa Planters Bank. Sa inisyal na imbestigasyon,  pinaputukan ni Perilla si Barrel mula sa ikaapat na palapag ng BQR building. Dito na bumaba ang biktima at nakipag-agawan ng baril sa suspek kung saan ilang ulit na putukan. Tinamaan sa dibdib, likod at tagiliran ang biktima habang tinamaan naman sa palad ang suspek.

Show comments