2 dedo sa road mishap

TUGUEGARAO CITY, Philippines– Dalawa-katao ang iniulat na nasawi sa naganap na magkahiwalay na road mishap sa lalawigan ng Isabela kamakalawa. Si Rufino Uy, 55, ay namatay matapos sumalpok ang kanyang motorsiklo sa kasalubong na traysikel ng 16-anyos na tinedyer na may kaangkas na apat na menor-de-edad sa kahabaan ng highway sa Barangay Furao sa bayan ng Gamu, Isabela. Ayon pulisya, walang lisensya ang driver ng traysikel kung saan pawang mga nasa kritikal na kalagayan matapos ang sakuna.  Samantala, sa Barangay San Antonio, Alicia, Isabela, nasawi rin si Leonard Millan, 27, ng Barangay Gumabauan, Echague matapos sumalpok sa poste ng kuryente na nasa gilid ng highway ang motorsiklo ni Jingoy Morada kasama ang isa pang kaibigan.

 

Show comments