Mister inutas, inagawan ng bike

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 23-anyos na mister matapos itong agawan ng motorsiklo ng dalawang di-kilalang lalaki sa Sitio Calangcaan, Barangay Sta. Lucia  sa bayan ng Magarao, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Naisugod pa sa Bicol Medical Center subalit nasawi rin ang biktimang si Marlon Pasimo ng Sitio Bagong Sirang sa nasabing barangay. Sa ulat ng pulisya, hinarang ng dalawang ’di-kilalang lalaki ang biktimang nagmomotorsiklo bago niratrat. Matapos bumu­lagta ang biktima sa kalsada ay tinangay pa ang kanyang motorsiklo.

Show comments