Bike vs bike: 3 patay

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Tatlo-katao ang iniulat na nasawi habang tatlong iba pa ang nasugatan matapos magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay San Antonio sa bayan ng Narvacan, Ilocos Sur kamakalawa. Nakilala ang mga nasawi na sina Arvin Jay Espiritu, 18, ng Barangay Quinarayan, Narvacan; Leonardo Vidal ng Poblacion West, San Esteban; at si Macky Macapagal ng Barangay Maynganay, Santa Maria, Ilocos Sur. Sugatang naisugod sa Metro Vigan Cooperative Hospital  sina Judy Pontillo, 26, ng Barangay Quinarayan, Narvacan; Wendel Ballesteros ng Barangay Cadacad, Narvacan; at si Ryan Marquez ng Barangay Suso, Santa Maria, Ilocos Sur. Sa police report, magkakaangkas sa motorsiklo sina Espiritu, Pontillo at Ballesteros nang sumalpok sa motorsiklo ni Vidal na angkas naman sina Marquez at Macapagal.

 

Show comments