Obrero tinodas dahil sa inggit
MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang isa sa motibo ang inggit kaya pinagbabaril at napatay ang isang obrero ng isa nitong kasamahan sa trabaho sa bulubunduking lugar sa bayan ng Alegria, Surigao del Norte kamakalawa. Kinilala ni Caraga PNP spokesman P/Supt. Martin Gamba ang nasawi na si Rico Cahoy ng Barangay Alipao, Alegria. Pinaghahanap naman ang suspek na si Carlito Montilla ng bayan ng Esperanza, Agusan del Sur. Naganap ang krimen sa bulubunduking bahagi ng Barangay Alipao bandang alas-12:05 ng tanghali.Nabatid na ang biktima at kasamahan nitong manggagawa ay inutusan ng kanilang amo na manguha ng kahoy sa kagubatan pero nang makakuha ng tiyempo ang suspek ay pinagbabaril ang biktima na napuruhan sa ulo. Samantala, ilang testigo naman ang nagturo sa biktima sa kakaiba umanong ikinikilos habang tumatakbo pababa ng kabundukan.
- Latest