Misis grinipuhan ng holdaperNi B

BULACAN, Philippines – Kasalukuyang nakikipagbuno kay kamata­yan ang 33-anyos na misis matapos saksakin ng dalawang holdaper sa Barangay San Manuel sa San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mary Grace Singian ng Pleasant Hills Subd. sa nasabing barangay. Samantala, nasakote naman ng mga tauhan ni P/Supt. Ross Alvarado ang isa sa suspek na si Luigi Sandoval habang tugis naman ang kasamahang holdaper na si Mark Anthony Domingo na kapwa nakatira sa Barangay Tala, Caloocan City. Sa police report, papauwi na ang biktima nang harangin at holdapin ng mga suspek. Dito na namataan ng mga tauhan ng 4th Maneuver Platoon ng Provincial Public Safety Company ang insidente kaya hinabol ang dalawa kung saan nasakote si Sandoval matapos mabaril.

Show comments