2 kidnaper tiklo

MANILA, Philippines - Dalawang notoryus na miyembro ng kidnap-for-ransom gang (KFRG) na sinasabing sangkot sa Lapuyan massacre sa Zamboanga del Sur ang nasakote ng pinagsanib na elemento ng pulisya at militar sa Pagadian City kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Army’s 1st Infantry Division spokesman Major Alberto Caber ang mga suspek na sina Montasser Mangoda Ratarta alyas Totongan at Rachmodin Vel Andi alyas Den. Sina Ratarta at Andin ay kapwa tauhan ng notoryus na lider ng KFR gang na si Amie Andi ay nasakote ng pinagsanib na puwersa ng Army’s 53rd Infantry Battalion at ng Pagadian City PNP noong Huwebes ng hapon. Ang mga suspek ay pinaniniwalaang sangkot sa  kidnapping for ramsom ng mga mayayamang negosyante sa Zamboanga Peninsula, pamamaslang sa anim-katao sa naganap na massacre sa Barangay Lapuyan noong Pebrero 2012. “There shall be no let-up of pursuit operations against those responsible in the series of killings and kidnappings in Western Mindanao. The public must realize that their role in peace and security in the region is vital to the success of the security operations”, ang sabi naman ni Major Gen. Ricardo Rainier Cruz, Commander ng Army’s 1st ID.

 

Show comments