^

Probinsiya

Kuya kinatay ng utol

Ni Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines - Hindi hinayaang basta na lamang singgahan at awayin ng nakatatanda niyang kapatid ang kanilang ama kaya pinatay niya ito sa taga kamakalawa ng gabi sa Barangay Maligaya sa bayan ng Buenavista, Quezon.Halos magmistulang karne ang katawan dahil sa dami ng tinamong taga ang biktimang si Oscar Billones, 36, habang ilang oras makaraang isagawa ang krimen ay sumuko sa pulisya kasama ang kanyang mga magulang ang suspek na si Nolito Billones, 34. Ayon kay PO2 Frederick Elardo, la­sing sa alak na nagtungo ang biktima sa bahay ng kanyang amang si Leonardo at agad itong kinompronta tungkol sa problema sa kanilang pamilya. Pinayapa ng ama ang anak subalit hindi ito nagpaawat  at nagsabi pa itong walang galangan dito at tinangka pang suntukin ang ama.  Sa puntong iyon ay dumating naman ang suspek na armado ng gulok at inundayan ng sunud-sunod na taga ang kuya hanggang duguang bumulagta.

vuukle comment

AMA

AYON

BARANGAY MALIGAYA

BUENAVISTA

FREDERICK ELARDO

NOLITO BILLONES

OSCAR BILLONES

PINAYAPA

QUEZON

TAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with