^

Probinsiya

Dalagita ni-rape slay ng pinsan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masaklap na kamatayan ang sinapit ng 14-anyos na dalagita matapos itong halayin ay pinagpapalo sa ulo ng sari­ling pinsan sa liblib na palayan sa Barangay 10 sa Victorias City, Negros Occidental. Bandang alas-7 ng umaga kamakalawa nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si Renia Joy Guasa, may 300 metro ang layo mula sa kanilang tahanan.

Ang biktima ay may mga sugat sa ulo at iba pang bahagi ng katawan na palatandaang nanlaban ito, nagkapunit-punit ang damit pang-itaas at walang saplot sa ibabang bahagi ng katawan. Sa ulat ni P/Supt. Alexander Muñoz, hepe ng Victorias City PNP, arestado naman ang itinuturong suspek na si Joshua Espartero, 22, ng Brgy. San Pablo, Manapla.

Lumilitaw na sinundo ng suspek ang biktima sa kanilang tahanan noong Martes ng gabi para dumalo sa despedida ng tiyuhing ni Espartero na tutungo na sa Mindanao.

May teorya ang mga awtoridad na naganap ang krimen sa pagitan ng alas-9 hanggang alas-10 ng gabi kung saan hindi umano kasama ng suspek sa kanilang lugar ang dalagita. Nang madiskubre ang bangkay ng dalagita kinabukasan ay dito na nabunyag ang malagim na krimen.

 

vuukle comment

ALEXANDER MU

BANDANG

BRGY

ESPARTERO

JOSHUA ESPARTERO

LUMILITAW

NEGROS OCCIDENTAL

RENIA JOY GUASA

SAN PABLO

VICTORIAS CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with