^

Probinsiya

Mag-ina hinostage ng mister sa ospital

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Desperadong hinostage ng mister na sinasabing walang pambayad sa hospital bill ang ka-live-in nito at bagong pa­nganak na sanggol sa naganap na kakaibang hostage drama sa ospital  sa bayan ng sa Sta. Cruz, Laguna kamakalawa.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Meliton Abello Salvadora Jr., hepe ng Sta. Cruz PNP, kinilala ang suspek na si Arvin Magno ng Barangay Pinagsanjan, Pagsanjan, Laguna.

Lumalabas na binisita ng suspek ang kapapanganak na ka-live-in na si Jina Ruazol Abena sa Laguna Provincial Hospital kung saan ng sumapit ang alas-10:30 ng gabi ay pinalalabas ito ng security guard dahil tapos na ang oras ng pagbisita.

Sa puntong ito, agad na niyakap ng suspek ang ka-live-in at tinutukan ng patalim at nagdemand na palabasin sila sa nasabing ospital.

Upang mailigtas ang buhay ng mag-ina ay pinabayaan ng mga kawani ng ospital na makalayo ang suspek kasama ang kaniyang mag-ina.

Samantala, sa  tulong ng mga barangay tanod ay natunton ng pulisya ang tahanan ng suspek at nang tanungin ang  misis sa kalagayan nito at kaniyang sanggol ay sinabing maayos naman sila.

Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang nasabing mister dahil sa nilikha nitong iskandalo sa ospital.

ARVIN MAGNO

BARANGAY PINAGSANJAN

CHIEF INSP

CRUZ

DESPERADONG

JINA RUAZOL ABENA

LAGUNA PROVINCIAL HOSPITAL

LUMALABAS

MELITON ABELLO SALVADORA JR.

NAHAHARAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with