Konsehal bulagta sa tandem

TUGUEGARAO CITY , Philippines - Napatay ang 56-anyos na konsehal ng brgy. matapos ratratin ng riding-in-tandem gunmen sa bahagi ng Brgy. Macalva Sur sa bayan ng Agoo, La Union Kamakalawa. Kinilala ni P/Chief Insp. Artemio Infante, hepe ng Agoo PNP ang biktima na si Rodolfo Estoque ng Brgy. Leones West sa nasabing bayan. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na papauwi na ang biktimang lulan ng owner-type jeep nang tambangan ng dalawang ‘di-kilalang lalaki. Naisugod pa sa ospital ang biktima subalit namatay din ilang oras.

Show comments