CIDG agent pinabulagta

BOCAUE, Bulacan , Philippines  – Napaslang ang 45-anyos na tauhan ng Criminal Investigation Support sa ilalim ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) makaraang ratratin ng riding-in-tandem assassins sa bahagi ng Barangay Turo sa bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa ng gabi. Pitong bala cal .45 pistol ang tumapos sa buhay ni Leonilo “Tom” Dueñas, 45, ng Barangay San Francisco sa bayan ng Bulakan, Bulacan. Sa imbestigasyon ni PO2 Ricky Baluyut, nagmomotorsiklo ang biktima sa kahabaan ng North Luzon Expressway  tollgate nang magmenor ito dahil sa daloy ng trapiko. Dito na lumapit at pinagbabaril ang biktima ng isa sa tandem kung saan tumakas patungo sa direksyon ng Bocaue. Narekober sa crime scene ang pitong basyo ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments