Mag-ina, magkapatid dedo sa killer jeepney

ILAGAN CITY , Philippines  — Magkakasunod na sinalubong ni kamatayan ang mag-ina at magkapatid habang dalawa naman ang kritikal makaraang araruhin ng jeep sa bahagi ng Barangay Ma­naring sa Iligan City, Isabela kahapon.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Franklin Mabanag, nakilala ang mag-ina na sina Rhea Salas, buntis; Jonalyn Salas, 2; ang magkapatid na Linda Cabasal, 25; at Oliver Cabasal, 11, pawang nakatira sa nasabing barangay.

Nabatid sa police report na naglalakad sa gilid­ ng kurbadang kalsada ang mga biktima mula sa pa­aralan na sumundo sa mag-aaral nang mahagip ng jeep na minamaneho ni Claudio Lucas, 51, ng Barangay Bangag.

Samantala, kritikal naman na naisugod sa Isabela Provincial Hospital sina Delia dela Cruz, 33; at Maryann Telan, 37,  kapwa nakatira rin sa nabanggit na barangay. Arestado naman ang driver kung saan isinailalim sa alcohol at drug test. Nabatid na isang Isuzu-Elf engine truck na may katawan ng jeepney na kalimitang ginagamit sa paghahakot ng saging, gulay at nilagaring troso ang ginamit.

 

Show comments