STAR reporter kampeon sa MPD badminton tournament

MANILA, Philippines - Itinanghal na kampeon ang mga reporter ng Phi-lippine Star at Pilipino Star Ngayon (PSN) sa men’s badminton tournament na inorganisa ng Manila Police District (MPD).

Sina Edu Punay ng Philippine Star at kapartner na si Mer Layson ng PSN ang natirang matibay sa mahigit isang buwan na liga na nagtapos noong nakaraang linggo.

Sa executive men’s category, nanalo sina P/Chief Supt. Rolando Asuncion, Director ng MPD at kapartner na si Deputy Director P/Sr. Sup. Rolando Nana, sa mixed double ay sina PO1 Nicodemus Lambas at SPO1 Shella Marie Pascasio habang ang ladies doubles ay nakopo nina SPO3 Ofelia Torres at PO3 Edilene Madayag.

Bukod sa cash price ay nakatakdang tumanggap din  ng tropeo ang mga nanalo sa flag raising ceremony sa susunod na linggo sa MPD Headquarters, UN Ave-nue, Ermita, Manila.

Ang liga ay nilahukan ng halos 20 team mula sa MPD Station 1 to Station 11, Traffic, NUP  at iba’t ibang division sa MPD Headquarters.

Show comments