^

PM Sports

San Mig sa game 4 patas na uli ang laban

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa tamang lugar si Alex Mallari sa huling anim na segundo ng laban para tulungan ang San Mig Coffee sa 88-86 panalo sa Petron Blaze Boosters sa Game Four ng PBA Go-vernor’s Cup Finals kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nakuha ni Mallari ang bola matapos ang jumpball nina imports Marqus Blakely at Elijah Millsap na nagresulta sa split sa 15-foot line para manalo pa ang Mixers kahit nag-lahong parang bula ang naipundar na 28 puntos na kalamangan sa first half.

Si Mark Barroca ang siya ring naging bida para sa tropa ni coach Tim Cone nang maghatid ito ng pitong puntos sa hu-ling yugto para mauwi sa 2-2 tabla ang best-of-seven Finals series.

Ang jumper ni Millsap at tip in ni June Mar Fajar-do ang nagtulak sa Boosters sa 77-73 kalamangan pero gumawa si Barroca ng dalawang free throws bago sinundan ng matinding tres upang ibalik sa Mixers ang kalamangan, 78-77.

Lumawig pa sa 87-83 ang kanilang bentahe sa dalawang free throws ni Peter June Simon sa hu-ling 12 segundo pero isang alley-hoop para kay Millsap na nakakuha pa ng foul kay Mallari, ang naglapit sa Petron sa isa, 87-86.

Sumablay si James Yap sa kanyang dalawang free throws sa sumunod na play pero nahiritan ng jumpball ni Blakely si Millsap para sa winning play ni Mallari.

Sa pagtutulungan nina Blakely, Yap at Joe Devance ay nagpakawala ng 29-5 palitan upang ang 8-all iskor ay naging 37-13 bentahe sa unang minuto ng ikalawang yugto.

San Mig Coffee 88 - Blakely 19, Pingris 15, Yap 14, Barroca 12, Simon 12, Devance 11, Mallari 4, Reavis 1.

Petron 86 - Millsap 33, Fajardo 20, Lassiter 13, Santos 8, Lutz 6, Kramer 2, Miranda 2, Tubid 2, Deutchman 0, Lanete 0, Hubalde 0.

Quarterscores: 33-13, 52-29, 67-63, 88-86.

vuukle comment

ALEX MALLARI

BARROCA

CUP FINALS

ELIJAH MILLSAP

GAME FOUR

JAMES YAP

JOE DEVANCE

MALLARI

MILLSAP

SAN MIG COFFEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with