Cousins sinuspinde dahil sa pagkompronta kay Elliot

NEW YORK -- Sinuspinde ng NBA si Sacramento Kings center DeMarcus Cousins ng dalawang laro nang walang bayad.

Ito ay dahil sa pagkompronta ni Cousins kay San An­­tonio announcer Sean Elliott.

Tinalo ng Spurs ang Kings, 97-86, sa Sacramento no­­ong Biyernes ng gabi.

Mawawala kay Cousins ang halos $70,500 sa kanyang $3.9 milyon na suweldo.

Hindi maglalaro si Cousins sa kanilang mga laban sa Los Angeles Lakers sa Linggo at kontra sa Portland Trail Blazers sa Martes.

Si Elliott ay matagal nang Spurs player at ka­saluku­yang tumatayong primary TV analyst ng San An­tonio.

Show comments