^

Metro

Housing project sa Barangay Tanza, Navotas, sisimulan na — NHA

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ni Natio­nal Housing Authority (NHA) General Manager Joeben Tai na sisimulan na ang pagtatayo ng “Navotas Homes 5 Phase 2” sa barangay Tanza, Navotas City.

Ayon kay Tai, nasa 180 ang unang benepisyaryo sa lungsod ng 3 low-rise buildings sa nasabing barangay na ang bawat unit ay may sukat na 24 sqm at kumpleto na sa mga pasilldad.

Kasama ring itatayo sa lugar ang isang community cen­ter, tricycle terminal at police station.

Ang proyektong pabahay ay bahagi ng komprehensibong plano ng lokal na pamahalaan para mabigyan ng kalidad na tahanan ang natitirang 6,500 na informal settler families na naka­tira sa mga panganib na lugar tulad ng mga daluyan ng tubig.

Nasa 24 na low-rise buildings ang itatayo sa Navotas na pakikinabangan ng 1,440 na pamilya.

NHA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with