^

PSN Showbiz

Andi at Philmar, pinagtawanan ang babaeng surfer

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Andi at Philmar, pinagtawanan ang babaeng surfer
Andi Eigenmann at Philmar Alipayo

Kamakailan ay kumalat sa social media ang video ni Philmar Alipayo na kausap ang isang babae. Nagkaroon ng mga ispekulasyon ang netizens na posibleng mayroong ugnayan ang kasintahan ni Andi Eigenmann at ang babaeng kasama ng surfer sa video. Aming personal na pinuntahan sa Siargao ang magkasintahan upang bigyang linaw ang insidente.

Aminado si Philmar na lasing siya noong gabing nakikipag-usap sa babae. “Siyempre lasing, kapag lasing, kinakausap. Then wala, uwi (na rin agad ng bahay). Marami rin naman talaga (kumakausap). Always, lagi ako nakikipag-usap,” pagtatapat sa amin ni Philmar sa Fast Talk with Boy Abunda.

Mayroon nang dalawang anak ang surfer at si Andi. Ayon kay Philmar ay talagang responsable siyang nobyo kay Andi kahit na nakararanas nang sobrang pagkalasing. “Siyempre, kahit paano, kahit sobra akong lasing, may… (wall, kapag may ibang babaeng kausap),” giit ng surfer.

Kahit nag-trending sa social media ang video ay hindi naman umano nagpaapekto si Andi sa mga akusasyon tungkol kay Philmar. “I guess I know him well. I also know what his type is. Ha-ha-ha! Sabi niya kung may kasalanan ako, hindi ako uuwi ng bahay. When I saw the video, I ignored it. I just looked at him. And I said, ‘What’s this?’ And tumawa lang siya. Pinagtawanan lang namin. What bothered me is finding out that it was done on purpose. That person in the video was the one that posted it. That’s what bothered me because you’ve just created something super unnecessary,” paliwanag ni Andi.

“In terms of what people think of what he’s doing or his intentions were. That doesn’t matter to him, I guess. Because the only opinion that matters to him is mine. Hindi naman niya asawa ‘yang mga tao na ‘yan. And iba-iba naman talaga tayo. Ako kasi talaga wala. I don’t believe in picking possession over my partner. Like it’s still his life and he can do what he wants. Alam ko ‘yung itsura kapag sinasaktan ako, or may ginagawa para masaktan ako. Alam ko kasi we trust each other,” dagdag pa ng aktres.

Nakatakda na dapat magpakasal ngayong taon ang magkasintahan pero nakansela ito dahil sa pagkamatay ng ina ni Andi na si Jaclyn Jose kama­kailan. Ayon kay Andi ay posibleng mayroong masabi kay Philmar ang ang beteranang aktres dahil sa pumutok na isyu. “Si nanay ko feeling ko it would not be okay for her. Honestly feeling ko kapag nandiyan pa si nanay, makakarinig ‘yan (si Philmar). Minsan may mga nagagawa si Philmar na hindi sang-ayon si nanay. ‘Hay! Naku, Philmar!’ mga ganyan. Pero it doesn’t mean anything. It doesn’t mean na hindi niya mahal si Philmar, ayaw na niya si Philmar. Nanay ko siya eh. Kapag nakita or nalaman niya na okay lang sa akin, or i-explain ko sa kanya na, ‘Nanay, okay lang ‘yan. Wala namang masama diyan.’ Kaya nga kami nagtitiwala sa isa’t isa kasi relax lang kami. Hindi namin kino-control ang buhay ng isa’t isa. Tapos parang si nanay ‘yung, ‘Ay! Gano’n pala dapat.’ Gano’n lang ‘yon,” nakangiting pagbabahagi ni Andi. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTRESS

ANDI EIGENMANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with