^

PSN Showbiz

Mga guest sa kasal, nadamay sa ‘galit’ ni Trina

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Mga guest sa kasal, nadamay sa �galit� ni Trina
Loisa Andalio, Elisse, Charlie Dizon at Carlo Aquino

Nakakaawa ang mga walang muwang na guests sa kasal nina Carlo Aquino at Charlie Dizon na nagpo-post ng congratulatory messages sa mga bagong kasal katulad na lang ni Jolina Magdangal.

Dapat bang i-nega siya ng mga nagco-comment na karamihan ay kumakampi sa ex ni Carlo. Kailangan bang idamay pa ang guests na nagmamagandang loob na nagpo-post ng best wishes nila?

Buti na lang magalang si Jolina at hindi na lang pinapansin ang mga malabis opinyonada.

Pero teka, ganun ba katindi rin ang galit at poot sa loob ni Trina Candaza?

Bakit mas grabe pang mag-react ang mga nakikisimpatiya sa kanya? Patience and understanding na lang.

Raymart at Claudine, mas masalimuot ang separation of properties

Ok na si Jodi Sta. Maria, si Raymart Santiago na lang!

Maganda ang balita na masaya si Iwa Moto para kay Jodi Sta. Maria ngayong granted na ng korte ang annulment ng kasal nito sa dating asawang si Pampi Lacson.

Si Pampi ang current partner ni Iwa. At least maayos na na-settle ang kanilang annulment.

Eh ‘yung kina Raymart Santiago at Claudine Barretto ba?

Custody at separation ng properties ang mukhang nasa korte pa, pero annulled ba sila?

Indie, tinitiwalag sa mainstream!

Naglabas na ng listahan ng mga nominado sa PMPC Star Awards For Movies.

Again, kanya-kanyang taste – pero bakit kaya hanggang ngayon hiwalay pa rin ang Indie Films sa ibang categories – at hindi ‘yun sa lahat (hindi kasama sa acting categories).

Hindi ba’t a movie is a movie is a movie – ke indie or mainstream man ‘yan?

Albie, may pasaludo kay Nikko!

Bakit may pa-‘saludo ako sa iyo, Brother’ si Albie Casiño referring to Nikko Natividad about Vice Ganda?

Sabi pa niya, “Wala naman mali sa sinabi ni Nikko, lahat naman tayo may sariling opinion and we all have the right to voice that. Ang mahirap is gusto niyo mawalan ng trabaho ang taong nag susuport ng pamilya dahil lang sa opinion niya” – Talaga? Dapat yata linawin ni Albie kung sino ang tinutukoy niya sa NIYO na gustong mawalan si Nikko ng trabaho, at hindi nilalahat.

At bakit kaya, of all issue, dito tumindig si Albie? Ano kaya ang pinaghuhugutan niya?

Nakakataquote:

“I pray and expect that justice will be served and the decision will be in my favor.” — Lindsay Custodio

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with