^

Bansa

Disqualification vs Quiboloy ibinasura ng Comelec, Senate bid tuloy

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Disqualification vs Quiboloy ibinasura ng Comelec, Senate bid tuloy
A lawyer holds the certificate of candidacy for senator of Apollo Quiboloy, founder of the Kingdom of Jesus Christ, on the last day for filing COCs on October 8, 2024.
AFP

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang petisyon na naglalayong idiskwalipika ang pinaghihinalaang child abuser na si Apollo Quiboloy sa pagtakbo sa May 2025 midterm elections.

Sa 14 na pahinang desisyon ng Comelec First Division, nabigo ang petitioner na si labor leader Sonny Matula na magbigay ng sapat na ebidensya para kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ng nakakulong na religious leader.

Batay sa desisyon na inilabas ng Comelec nitong Disyembre 20, 2024 nakasaad ang: “Even if this Commission (First Division) were to apply the rules on liberality and decide based on the merits of this Petition, the grounds relied upon by the Petitioner for the disqualification of Res­pondent and the cancellation of his COC are incorrect and without factual and legal basis.”

Saad din na may procedural lapses sa paghahain ng petisyon, na nagbibigay-diin na ang isang petisyon para ideklara ang isang kandidato bilang isang “nuisance”  ay hindi maaaring pagsamahin sa iba pang mga batayan para sa isang hiwalay na remedyo.

Nangatuwiran si Matula na ang nominasyon ni Quiboloy ng Partido ng Manggagawa at Magsasaka ay hindi wasto dahil sa hindi awtorisadong pagpirma ng kanyang Certificate of Nomination and Acceptance (CONA).

Nagpasiya ang Comelec na walang “material misrepresentation” sa ilalim ng election laws.

Nabatid na ang CONA ng nakakulong na religious leader ay binawi noong Oktubre 21, at piniling tumakbo bilang isang independent senatorial candidate.

ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with