^

PM Sports

Bolts kinuryente ang unang korona

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Bolts kinuryente ang unang korona
Pumuwersa si Bong Quinto ng Meralco laban sa SMB sa Game 6 ng PBA Finals.
Russell Palma

Philippine Cup Champion

MANILA, Philippines — Sinilaban ng Meralco ang fireworks sa Smart-Araneta Coliseum upang angkinin ang kauna-una­han nitong kampeonato matapos itakas ang 80-78 panalo kontra sa San Miguel Beer sa Game 6 ng 2024 PBA Philippine Cup best-of-seven finals.

Sinalpak ni Chris Newsome ang game-winner na fadeaway sa huling 1.3 segundo upang tuluyang makuryente ng Bolts ang reigning champion na Beermen, 4-2, at sa wakas ay maging PBA champion matapos ang 14 taon.

Pumasok ang Meralco sa PBA noong 2010 matapos makuha ang prangkisa ng Sta. Lucia at naging matagal ang paghihintay sahog ang sunud sunod na pighati sa finals bago makaakyat sa tuktok ng pinakaunang professional basketball league sa Asya.

Siniguro ito ni Newsome sa pagtala ng 15 puntos tampok ang pinamakalaking basket ng kanyang karera sa kabila ng malagkit na depensa ni Don Trollano upang ibalik ang abante sa Bolts.

Nakatira pa si June Mar Fajardo para sa pampanalo sanang tres at posibleng Game 7 subalit sablay ito na nagbigay-daan sa asam na selebrasyon ng Bolts.

Bago iyon ay naibuslo ni Fajardo ang pambihirang tres sa huling 3 segundo upang maitabla ang laban sa 78-78 mula sa 12-point deficit sa fourth quarter.

Sumuporta kay Newsome, na tinanghal na Finals MVP, sina Allein Maliksi, Bong Quinto at Chris Banchero na kumamada ng 14, 11 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Hindi naging madali ang matamis na kam­peonato ng Bolts nang muntik masayang ang maagang 17-point lead, 46-29, sa kalagitnaan ng second quarter at ang akala nila ay komportable nang kalamangan sa fourth quarter.

Halos amoy na ng Me­ralco ang titulo hawak ang 73-61 bentahe matapos ang basket ni Newsome sa huling 6 na minuto bago ang muntikang comeback ng SMB.

Hindi sumapat ang 21 puntos, 12 rebounds at 5 assists ni Fajardo, na kakasikwat lang ng kanyang ika-10 Best Player of the Conference upang idagdag sa kanyang 7 MVP, para sa Beermen na napatalsik sa trono.

Kapos din ang 14, 11 at 10 puntos nina CJ Perez, Marcio Lassiter at Mo Tautuaa, ayon sa pagkakasunod para sa SMB na unang napagharian ang Commissioner’s Cup ngayong Season 48.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with