^

Probinsiya

Buy-bust nauwi sa shootout: 2 ‘shabu dealer’ bulagta

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Buy-bust nauwi sa shootout: 2 �shabu dealer� bulagta
Nasa kustodiya na ng Philippine Drug Enforcement Agency ang mga baril, P340,000 na halaga ng shabu at iba pang mga gamit ng dalawang drug dealers na napatay sa isang entrapment oper­ation sa Languyan, Tawi-­Tawi nitong Lunes.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang dalawang hinihinalang shabu dealers nang pumalag sa nilatag na buy-bust operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM) sa Barangay Liyabu­ran, Panglima Sugala, Tawi-Tawi nitong Lunes.

Sa ulat nitong Miyerkules ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-BARMM, nauwi sa pagkamatay ng drug dealers na sina Akmad Munib Usman at Gorrie Sajili Usman ang engkuwentrong naganap sa pagitan nila at ng magkasanib na PDEA-BARMM agents at mga operatiba ng iba’t ibang units ng Tawi-Tawi Provincial Police Office.

Aarestuhin na sana ng PDEA-BARMM agents ang dalawa matapos magbenta sa kanila ng P340,000 na halaga ng shabu sa Barangay Liyabu­ran, Tawi-Tawi, ngunit bigla umano silang naglabas ng mga baril kaya nagkapalitan na ng putok na nag-resulta sa kanilang kamatayan.

Ayon kay Castro, nailatag ang naturang buy-bust operation sa tulong ng local government unit ng Panglima Sugala at ng tanggapan ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region.

vuukle comment

PDEA-BARMM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with