Sunshine ‘di na tumatanggap ng teleserye,Gretchen may acting comeback?!

Hitsurang bumata ang negosyanteng si Atong Ang sa selfie nila ni Sunshine Cruz habang sakay ng helicopter.
Komento nga ng netizens, iba talaga ‘pag in love, bumabata ang hitsura.
Mas comfortable na diumano ngayon si Sunshine sa relasyon nila ng negosyante dahil open na sila at wala na halos nagnenega.
Pero ang isa diumanong ayaw gawin ni Sunshine ngayon ay gumawa ng teleserye. Marami na diumanong offer na teleserye ang tinanggihan ng actress na karelasyon ni Atong Ang.
At kung si Sunshine ay tumatanggi diumano sa mga offer na teleserye, may possibility naman diumanong mag-comeback si Gretchen Barretto.
Sa initial talks diumano ay pumayag na ito pero hangga’t hindi raw ito dumadalo sa story conference, hindi masasabing tinanggap nito ang nasabing trabaho.
BGYO, magpapaindak ngayong tag-init
May swak na soundtrack ngayong tag-init sa paglabas ng self-titled EP ng BGYO tampok ang 5 kanta.
Hatid nina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate ang apat na English songs na Divine, Trash, Light My Fire, at Heartstrings, at isang Tagalog song na tinawag na Andito Lang sa kanilang bagong mini-album.
Tungkol sa nakakamanghang pag-ibig ang kantang Divine na nagsisilbing key track ng BGYO EP kung saan inilabas na rin sa BGYO Official YouTube channel ang Divine.
Mula sa masayang pag-ibig, mapanakit na damdamin naman ang mararamdaman sa Heartstrings na isinulat at prinodyus ni Chris Lopez, aka Moophs.
Isa pang bagong handog ng Filipino boy group ang nakakaindak na Light My Fire na mula sa komposisyon at produksyon ng US-based musician na si Dante Bowden.
Kabilang din sa EP ang nauna nang inilabas na awitin na Trash na tungkol sa handang gawing sakripisyo pagdating sa pag-ibig at pop rock anthem na Andito Lang na hango sa solid na samahan ng grupo.
Patuloy ang BGYO sa paghahatid ng musika na talaga namang may refreshing vocals at nakakaindak na tunog. Umani na ang grupo ng mahigit sa 50 million Spotify streams, 30 million YouTube views, at no. 1 iTunes debuts hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa Hong Kong, Singapore, UAE, Saudi Arabia, at iba pa.
- Latest