^

Probinsiya

Babala ni PRO3 director Maranan: Pulis na magpapaputok sa Pasko, Bagong Taon, sisibakin

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

CAMP OLIVAS, City of San Fernando, Pampanga, Philippines — Mahaharap sa pagkaka-dismiss sa serbisyo ang sinumang pulis na masasangkot sa indiscriminate firing o pagpapaputok ng baril ngayong Pasko at sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ito ang mahigpit na babala ni PRO3 Director PBrig. Gen. Redrico Maranan, alinsunod sa direktiba ni PNP chief PGen. Rommel Francisco Marbil na nagbabawal sa paggamit ng baril ng mga PNP personnel sa pagdiriwang ng mga nasabing okasyon.

Idinagdag pa ni Maranan na tuwing Bagong Taon, maraming pulis ang nasasangkot sa insidente ng indiscriminate firing, na nagiging sanhi ng ligaw na bala at mga insidente ng pagkakasugat o pagkamatay ng tao. 

Samantala, mahigpit din ang utos ng PNP laban sa paggamit ng mga ipinagbabawal na paputok ng mga miyembro nito. 

Hinihikayat ang publiko na gumamit ng alternatibong paraan sa pagsalubong sa Bagong Taon, tulad ng pagpapatugtog ng musika, pagsisindi ng fireworks sa mga itinalagang lugar, pagpito, o paggamit ng torotot.

Bilang karagdagan, ipinaalala ni Maranan sa mga pulis ng Gitnang Luzon na, “Ang ating trabaho ay tiyakin ang kaligtasan at kapayapaan ng komunidad. Sa ating mga pulis, hindi lamang tayo tagapagpatupad ng batas, tayo rin ay halimbawa ng tamang asal at disiplina.

Mahigpit kong ipinagbabawal ang anumang uri ng pagpapaputok ng baril. Hindi ito nagdudulot ng kasiyahan kundi peligro para sa ating mamamayan. Ang indiscriminate firing ay hindi katanggap-tanggap at magreresulta sa pinakamabigat na parusa,” ani Maranan.

Nanawagan din si Maranan sa mga lokal na pamahalaan na mahigpit na ipatupad ang ‘firecracker zones’ upang mabawasan ang polus­yon at maiwasan ang mga insidente ng aksidente, partikular na sa mga bata.

POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with