AJ, kumpirmadong hinding-hindi na magpapa-sexy sa pelikula
May gagawin sa West Philippine Sea
Confirmed, ayaw nang balikan ni AJ Raval ang pagpapakita ng katawan sa pelikula.
Tapos na raw siya sa bahaging ‘yun. At bago naman daw ang gusto niyang gawin.
“Parang kasi tapos na ko sa phase na ‘yun, sa part na ‘yun na nagpapa-sexy, nagpapakita ng skin. Gusto ko naman bago naman, mas maganda, mas makakabuti para sa akin. Okay na ko sa part na nadaanan, nagawa ko siya,” sabi ni AJ Raval kahapon sa announcement ng advocacy digital series na West Philippine Sea (WPS) na produced ng Kapisanan ng mga Social Media Broadcasters ng Pilipinas (KSMBPI) headed by Dr. Mike Aragon na unang mapapanood at mapapakinggan sa DZRH radio / TV.
Kinontra rin niya ang intrigang lalayasan na lang niya ang showbiz dahil umalis na siya sa kanyang management team at tatapusin na lang ang pag-aaral. Matagal-tagal din kasi siyang namahinga.
“Just to be clear, wala po akong sinabing iniwan ko na po ‘yung Viva and wala po akong sinabing ayaw ko na rin mag-artista. Ang sinabi ko po may time na nawalan po ako ng gana sa pag-aartista. Nag-focus po ako sa ibang bagay, sa paggawa ng mas maganda, mas makakabuti sa akin. Katulad ng pag-aaral ko, natapos ko po ‘yung high school ko sa pamamagitan ng ALS. Pero wala po akong sinabing ayaw ko nang mag-artista, sabi ko lang po gusto ko lang din gamitin ‘yung pag-aartista ko sa mas maganda, mas better na way,” paglilinaw niya pa.
Marami raw kasi siyang realization na rason kaya’t nawalan siya ng gana sa kanyang mga ginagawa sa pelikula.
Nag-umpisang bumongga ang career ni AJ nung pandemic, sa paggawa ng sexy movies sa Vivamax.
“May time na nawalan ako ng gana sa pag-aartista kasi may mga bagay pa akong gustong gawin na mas makakabuti sa akin and ‘yung time na hindi ako nagso-showbiz mas marami akong narealize, mas marami akong natutunan sa sarili ko like for example, ano bang mas importante. Ayan ang family, quality time sa kanila mga ganung bagay mas natutunan ko,” katwiran niya pa.
Kaya naman nang marinig niya ang offer ng WPS na isang malaking usapin sa kasalukuyan dahil sa patuloy na pang-aangkin ng China, hindi na niya naisip kung magkano ang talent fee niya.
“Masaya ako sa project na ito kasi syempre katulad nung sinabi ko kanina, gusto kong gamitin ‘yung pag-aartista ko, ‘yung skill ko sa mas magandang way. Itong project na ito in-offer siya sa amin. Hindi na kami nag-ask ng talent fee na anything, contract. Tinanggap na lang namin siya kasi alam namin makakabuti sya para sa sarili namin at makakabuti siya para sa mga mamamayang Pilipino,” na ang nire-refer niyang kami ay si Aljur Abrenica dahil nga kasama rin sa pelikula ang jowa niyang actor. Ganundin ang ama niyang si Jeric Raval.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na magkasama sila ng actor na karelasyon sa pelikula.
Samantala, masaya naman si Aljur sa desisyon ni AJ na hindi na magpa-sexy sa pelikula at gumawa na lang ng mga makabuluhang mga proyekto.
At kung kinontra ni AJ ang isyung lumayas na siya sa Viva, iba naman ang sinabi ni Aljur na may bagong management team na siya.
Tumanggi rin si AJ na i-reveal ang mga plano nila ni Aljur ngayong parang normal na ang lahat sa kanilang relasyon.
Samantala, fictional ang WPS pero naka-base pa rin ito daw ito sa real-life events ayon kay Doc Aragon.
Sa kasalukuyan ay patuloy ang panggigipit ng mga sasakyang pandagat ng China. Kaya naman nagpahayag na ng pagkabahala ang ilang mangingisda sa Zambales.
“This is for the country, for the people, this is a cause for the Philippines because atin ang West Philippine Sea,” pahayag pa ni Doc Mike.
Nakatakda itong ipalabas sa free TV, cable, satellite, radio drama at Viva One.
Kasama rin sa WPS ang magkapatid na Rannie at Lance Raymundo, Daiana Menezes, Ali Forbes, Ayanna Misola, Massimo Scofield, Jerica Madrigal, Lala Vinzon at Roi Vinzon, directed by Karlo Montero.
- Latest