^

True Confessions

Suklam (117)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Masarap kang ka­usap, Leah,’’ sabi ni Brent makaraang uminom ng kape.

“Talaga? Baka ulam ako, ha-ha-ha!’’

“Kalog ka rin.’’

“Nagtataka nga rin ako sa sarili ko at bakit naging kalog ngayon.’’

“Ibig mong sabihin, hindi ka ganyan dati?’’

“Oo.”

“Aba parehas talaga tayo. Hindi rin ako mabiro dati. Hindi kaya tayo ang itinalaga sa isa’t isa?’’

“Baka nga? Baka mag-soul mate tayo?’’

“Naniniwala ka roon?’’

“Oo. Kapag daw ma­saya at confident ang bawat isa sa unang pagkikita pa lang, malamang ay soul mate sila. Kasi hindi nagkakahiyaan at parang kilalang-kilala na ang isa’t isa. Kaya maaaring noon pa, dati na tayong mag­kakilala.’’

“Siguro nga Leah. Dama ko, soul mate tayo.’’

“Kung soul mate tayo, posible kayang tayo rin ang maging mag-sweetheart?’’

“Puwede.’’

Nag-isip si Leah.

“Kaya lang kung mangyayari yun, hindi kaya ako magsisi?’’

Napakunot ang noo ni Brent.

Hindi niya maintindihan ang sinabi ni Leah.

“Bakit mo naman nasabi iyon Leah?’’

“Kasi, maraming nangyari. At ewan ko kung maiintindihan mo.’’

“Anong nangyari?’’

“Teka, hindi pa naman tayo mag-sweetheart e bakit ganito na ang usapan natin.’’

“Oo nga ano.’’

“Parang kung mag-usap tayo e magsiyota na.’’

“E kung isipin natin na magsiyota na nga tayo?”

“Puwede!’’

Sabay silang nagtawa.

(Itutuloy)

vuukle comment

BRENT

LEAH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with