^

True Confessions

Suklam (123)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“PASENSIYA ka na Leah, napaaga yata ako ng dating. Ang lapit kasi ng tira­han n’yo sa amin. Kahit binagalan ko ang paglala­kad, maaga pa rin akong nakarating,’’ sabi ni Brent at bahagyang tumawa.

“Okey lang Brent. Kanina ko pa nga inihanda ang kape para sa iyo.’’

“Talaga?’’

“Oo. Di ba sabi ko sa’yo ipaghahanda kita ng kape —brewed coffee.’’

“Wow! Thanks. Siyanga pala may dala akong kaun­ting gift.’’

“Thanks. Nag-abala ka pa.”

“Okey lang, Leah.’’

“Sandali at tatawagin ko si Mama at ipakikilala kita.”

“Sige. Gusto kong maki­lala ang mama mo. Sure ako, maganda rin siya, tulad mo.”
Nagtawa si Leah.

“Sandali lang Brent,’’ sabi ni Leah at tumayo at nagtu­ngo sa loob.

Maya-maya, kasama na ni Leah ang ina. Maganda nga. Kamukha ni Leah.

“Brent eto si Mama.’’

“Kumusta po,’’ sabi ni Brent at nagmano sa mama.

“Mabuti naman. Ikaw pala si Brent na ikinukuwento ni Leah. Mabuti at nakarating ka rito sa amin.’’

“Malapit lang po ako rito—diyan lang po sa Jhocson.’’

“Ah, malapit lang.’’

“Sabi ko nga po kay Lea, napaaga ang dating ko dahil malapit lang.’’

Napangiti ang mama ni Leah.

“Pagkapehin mo siya Leah. Pati ‘yung cake na bineyk mo.’’

“A wait lang at kukuha ako,’’ sabi ni Leah.

Habang wala si Leah, nag-usap sina Brent at mama ni Leah. Mabait ang mama ni Leah. (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with