Nadal saludo kay Alex

MANILA, Philippines — Saludo si Grand Slam champion Rafael Nadal sa tagumpay ni Alex Eala na nakasiguro na ng tiket sa semifinls ng Miami Open na ginaganap sa Miami, Florida.
Nagpost si Nadal sa kanyang social media account upang ipaabot ang congratulatory message nito kay Eala.
“We are extremely proud of you, Alex. What an incredible tournament! Let’s keep dreaming!” ani Nadal sa kanyang post sa social media.
Nagbigay ng mensahe si Nadal matapos sibakin ni Eala si world No. 2 at five-time Grand Slam champion Iga Swiatek ng Poland sa quarterfinals kahapon.
Malapit si Eala kay Nadal dahil nag-training si Eala sa Rafael Nadal Academy sa Mallorca, Spain na siyang humubog sa kanyang talento bilang tennis player.
Ilang taon din ang ginugol nito sa Rafael Nadal Academy para mas lalong mahasa ang talento nito.
“My coach told me to run, to go for every ball, take all the opportunities I can, because a five-time Grand Slam champion is not going to give you the win,” ani Eala.
Sa pagpasok ni Eala sa semis, makasisiguro na ito ng $332,160 o mahigit P19 milyon — ang pinakamalaking prize money na matatanggap ni Eala sa kanyang tennis career.
Bukod pa rito ang pag-angat ni Eala sa world ranking dahil susulong ito sa No. 75 sa oras na ilabas ang bagong listahan sa Lunes.
- Latest