^

Dr. Love

Mister may karelasyong bakla

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Confused po ako at hindi ko malaman ang aking gagawin. Minsan po, mula sa trabaho ay umuwi ang mister ko na may kasamang lalaki.

Kaibigan daw niya na naghahanap ng mauupahang silid.

Inalok ng mister ko ang maliit na guest room na pinaupahan niya sa lalaki ng tatlong libong piso isang buwan. Naniwala naman ako.

Limang buwan ang lumipas at nahuli ko sila sa akto na nagroromansa.

Linggo noon at mamamalengke sana ako pero nang ‘di pa ako nakalalayo at wala pala sa akin ang aking wallet kaya bumalik ako sa bahay.

Pagbukas ko ng pintuan ay nasa sala sila at naglalampungan sa sofa. Nagtatakbo akong palabas ng bakuran namin at umiiyak. Doon muna ako sa bahay ng magulang ko tumira. Hindi ko muna ipinagtapat ang nakita ko, sinabi ko lang na nag-away kami.

Nang sunduin ako ng mister ko at humingi ng tawad, ayaw ko na siyang balikan dahil diring-diri ako sa kanya. Napilitan akong sabihin sa mga magulang ko ang buong nangyari.

Sabi ng parents ko, hiwalayan ko na ang asawa ko. Tama po bang gawin ito?

Mameng

Dear Mameng,

Kung hindi mo na siya kayang patawarin dahil nandidiri ka sa ginawa niya, ang paghihiwalay ay daanin mo sa legal na paraan.

Ang homosexual relation ay isang matibay na ground para sa marital annulment. Kumunsulta ka sa abogado hinggil sa mga legal measures na dapat gawin.

Dr. Love

RELATIONSHIP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with