Wind Chime
Kung ang pakiramdam mo ay lagi kang tinatamad o mas gusto mong humiga na lang at laging matulog, magsabit ng wind chime na may 5 hollow metal tubes at red string sa gitna ng kisame ng bedroom. Ang wind chime ay dapat na nagpo-produce ng clear, clean, sweet sound. Mainam din magsabit ng nabanggit ng wind chime kung depressed, nawawalan ng pag-asa at may suicidal tendency.
Kulay ng pintura
Pinturahan ang bedroom ng light green na may small accent ng red. Ang epekto ng green color ay kapayapaan ng kalooban, pag-asa at masiglang kaisipan. Huwag gagamit ng chocolate brown dahil lalo itong nakakabigat ng pakiramdam. Gumamit ng kaunting kulay pula dahil nakakatulong din ito sa pagpapasigla ng katawan at kalooban ngunit ang sobra ay makapagdudulot ng init ng ulo.
Gagamiting Kumot
Ayaw ng mga Chinese na gumamit ng puting kumot dahil kadalasan ay ito ang ipinambabalot sa bangkay. Okey lang ang puting kumot na may design o combination na masasayang kulay. Ang pulang kumot ay mainam na gamitin ng naghahanap ng mapapangasawa at bagong kasal na nasa honeymoon stage.