^

Pang Movies

Trevor, pinagdiinang ‘di na babalik kay Rufa Mae!

Gorgy Rula - Pang-masa
Trevor, pinagdiinang ‘di na babalik kay Rufa Mae!
Trevor Magallanes at Rufa Mae Quinto
STAR/File

MANILA, Philippines — Talagang pinagdiinan ng estranged husband ni Rufa Mae Quinto na si Trevor Magallanes na malabo na silang magkabalikan.

Nung ipinost niya kamakailan lang ang pictures at video ng nag-iisa nilang anak na si Athena, marami ang nag-comment na sana magkaayos na silang mag-asawa at huwag nang matuloy sa divorce.

May ilang kuha kasi roon na kasama pa si Rufa Mae. Kaya iniiisip ng iba na baka okay na ang mag-asawa at posibleng magkaayos sila.

Pero pinagsasagot ni Trevor ang ilan sa kanila. Buo na ang desisyon niyang hindi makipagbalikan.

Irita na siya sa ilan, akala mo mas alam nila ang tunay na kalagayan ng relasyon nila.

Nung ipinost niya ito mga apat na araw nang nakaraan, meron agad nag-comment na sana magkaayos silang dalawa alang-alang sa kanilang anak, pero sinagot ito ni Trevor na ma-disappoint lang ito.

Pero nang mga sumunod na araw ay may mga nagko-comment pa rin na may ginamit pang Bible verse, kaya ang talas na ng sagot ni Trevor.

Meron pa siyang sinabihang, “I’m not interested in your relationship advice po. Please mind your business.”

May sinabihan din siyang wala siyang balak na may mabuo pang kung ano mang relasyon kay Rufa Mae, kundi dating asawa lang.

Tila mabigat ang pinag­daanan ng kanilang relasyon kaya tuluyan nang tinapos ni Trevor ang relasyon nila ni Rufa Mae.

Wala namang negative comments ang mga post ni Rufa Mae.

Karamihan ay trabaho ang pino-post niya at positive comments ang natatanggap niya.

Go go go lang daw siya, at nagpapasalamat sa mga raket na natatanggap niya.

LT, damay sa kampanya ni Sen. Lito!

Hindi pa sure si Lorna Tolentino kung babalik pa siya sa Batang Quiapo dahil pansamantalang stop muna ang karakter nila ni Sen. Lito Lapid gawa nang magsisimula na ang kampanya.

Nadamay si Lorna, dahil laging magkasama ang PriManda na tandem nilang dalawa.

Thankful lang si Lorna dahil pagkatapos niyang gawin ang Espantaho, may mga kasunod na movie offers at nagustuhan niya ang mga ito.

May mga ilan ding offers na guesting sa ilang pelikula pero pinag-iisipan pa niya.

Meron inalok sa kanya si direk Adolf Alix at nagustuhan niya ang tema ng pelikula at ang role niya rito.

Matitindi at de kalibreng artista ang makakasama niya, kaya kakaibang challenge naman daw ito sa kanya.

Sabi ni LT, bilang aktres, iba raw talaga ang fulfillment sa kanya.

Sana matuloy itong pasabog na unang pelikulang gagawin niya sa 2025. Mas magandang kasunod daw ito sa Espantaho na mabuti at napunta sa kanya.

RUFA MAE QUINTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with