Heart, sosyal din ang pamana sa kanyang alaga
Leave it to Heart Evangelista dahil ang scarf, nagagawa niyang top para sa Christmas Party ng Team Heart na ginawa sa bahay nila ni Senate President Chiz Escudero.
Pero, hindi simpleng pink scarf ang ginawa niyang top dahil Gucci ang brand ng scarf at Gucci rin ang kanyang denim. Ang shoes naman ay super vintage Dior, kaya imadyinin niyo na lang kung magkano ang suot niya sa Christmas Party ng kanyang team.
Ang food na inihanda ay super bongga, may lechon at marami pang nakahanda na kanilang pinagsaluhan. At ang wine, ang laki ng bote at si Chiz pa ang naglagay sa mga wine glass.
Nakakaloka ang sinabi ni Heart na may mamanahin ang fur baby niyang si Panda paglaki raw nito habang hawak ni Heart ang mamahalin at yayamanin na display sa bahay. Parang nakaintindi si Panda dahil sumagot ng bark.
Dahil sa scarf na ginawang top, marami ang gagaya nito kay Heart, kaya lang, tiyak hindi na Gucci.
Chavit, may sariling bangko na
Sa launching ng VBank ni Chavit Singson, nabanggit nito na he will be co-producing films with GMA Pictures under his film outfit LCS Group of Companies at sisimulan nila ang collab sa Samahan ng mga Makasalanan. Sabi ni Chavit, sexy lang ang title, pero comedy ang movie to be directed by Benedict Mique.
Ipinakilala na ang cast na kinabibilangan nina Sanya Lopez, at David Licauco with Jay Ortega, Buboy Villar at iba pang hindi nabanggit ang mga pangalan. Marami raw movies na gagawin ang film company niya, abangan lang at gagawin niya ito para makatulong sa pelikulang Pilipino.
Samantala, puwede ka nang magkaroon ng bank account mula sa app nila at hindi na kailangang pumunta pa ng bangko.
Puwede rin magpadala ng pera sa lahat ng bangko at wallet, magbayad ng bills at mag-load. Puwede ring mag-cash.
Kasabay nito ang launch ng Manong Chavit’s 58 Days Milyon-Milyong Papremyo, a campaign designed to bring exciting rewards and opportunities to communities across the nation.
- Latest