^

Pang Movies

Kathryn, tinanggap ulit ng GMA!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Kathryn, tinanggap ulit ng GMA!
Kathryn Bernardo
The STAR/Geremy Pintolo

Nakapaglaro na pala si Kathryn Bernardo sa Family Feud ayon sa isang insider sa GMA game show.

Parte ito ng promotions ni Kathryn sa pelikulang Hello, Love, Again nila ni Alden Richards kung saan isa sa producers ang GMA Pictures.

Exciting ang guesting niya dahil ang makalaban ni Kath ay ang Team Alden, huh!

Pero tanging insider at bahagi ng show ang nakakaalam kung sino sa Team Kath at Team Alden ang nagwagi. Hindi puwedeng sabihin hanggang hindi naipalalabas.

Sa GMA nagsimula si Kathryn nung teen years pa lang niya sa showbiz bago napunta sa ABS-CBN.

Kaabang-abang ang pag-welcome kay Kathryn sa muli niyang pagtuntong sa GMA.

Malou Fagar, bubuhayin ang TAPE

Maraming natutuwa sa pagbabalik sa television productions ng showbiz personality na si Malou Choa Fagar!

Naglabas ng announcement ang TAPE, Inc. kaugnay ng pagbabalik sa TAPE ni Ma’am Malou na naging bahagi rin ng produksiyon sa pagsisimula ng Eat Bulaga mula pa sa RPN 9.

Natigil man sa paggawa ng noontime show ang TAPE, balitang babalik uli sila sa paggawa ng TV shows.

Bago naging artist manager, ang telebisyon ang mundo ni Ma’am Malou bago siya magretiro.

Eh dahil expert na sa kaalaman sa TV production, palakpakan natin ang pagbabalik ni MCF sa likod ng kamera sa telebisyon!

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with