^

Pang Movies

Richard at Barbie, bumida sa mga marites sa Italy

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Richard at Barbie, bumida sa mga marites sa Italy

Ngayon naman siguro ay wala nang magkakaila kung may magsabing may mga mabuting usapan na sa pagitan nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial.

Hindi man sila nag-post na magkasama, pero nasa iisang lugar naman.

Ito ay dahil daw sa taping ng kanilang pinagsasamahang teleserye na Incognito na nag-taping sa Italy kasama raw sina Maris Racal at Anthony Jennings.

Nauna nang may lumabas na may mga sighting na sila.

Wala mang inaamin, parang ‘di na naman sila nagtatago.

Sa showbiz pa ba na ang lahat ay mabilis na kumalat?

Hintayin na lang natin na umamin sila at sabihing sila na nga.

Ipe, noon pa inambisyonang pulitika!

Matagal na naming kilala at kaibigan ang aktor na si Phillip Salvador. Walang duda na mahusay siyang aktor at inirerespeto rin sa industriya. Marami rin siyang nagawang malalaking pelikula. Matagal din siyang pinagtiwalaan at inalagaan ng national artist na si Lino Brocka sa kanyang mga pelikula.

Kaya inaasahan na itutuloy niya ang ambisyon sa pulitika.

Naunahan na nga naman siya ng ibang action stars gaya nina Robin Padilla, Jinggoy Estrada, at Bong Revilla.

Sina Jinggoy at Bong ay napasok diyan dahil sa kanilang pamilya. Si Robin ay pinatakbong senador ni dating presidente Rodrigo Duterte na number one pa.

Ganun din siguro ang inaasahan ni Ipe na tatakbo rin sa ilalim ng partido ni Duterte.

Markki, sasabak sa Mr. Universe

Ang kontrobersiyal na singer na si Markki Stroem pala ang kakatawan sa Pilipinas sa Mr. Universe pageant na gaganapin sa L.A. sa Disyembre. Hindi purong Pilipino si Markki, siya ay may dugong Norwegian.

Hindi rin naman nabalitaan na nagkaroon ng local contest kung saan nga napili siya para kumatawan sa Pilipinas, pero siguro nga naisip ng franchise holders na si Markki ay magiging isang malakas na candidate kaysa sa mag-contest pa sila rito na iyon at iyon din naman ang mga sumasali.

Si Markki nga naman bukod sa may personalidad ay may kakayahang magsalita kaya hindi na masyadong magiging problema. Kung ang makukuha nga naman ay galing pa sa kung saang bikini contest magiging problema lang nila iyon. Lalo na pagdating sa question and answer.

Matrona, dawit din sa pangmomolestiya sa bagets!

Hindi lang ang mga beki ang involved sa sexual molestation sa showbiz. Mayroon palang isang matronic personality na nakikialam din sa kanyang boy talents.

Matagal nang balita iyan, at ang akala namin natigil na. Iyon pala may bago na naman at bagets pa.

Basta ang matandang iyan nareklamo ng sexual molestation.

vuukle comment

BARBIE IMPERIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with