^

Pang Movies

Barbie, laglag na sa Incognito?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Tama nga ang netizens, magkikita sa Italy sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial, kaya hindi agad bumalik ng Pilipinas si Richard after matapos ang taping niya ng Incognito. Sumunod sa Italy si Barbie at ang paniwala ng netizens, magkasama na ang dalawa nang mag-post ang aktres na andun din siya.

Ang mga sign na magkasama sa Italy sina Richard at Barbie ay ang bouquet of flowers na pinost ni Barbie habang nagda-dine sila. Saka, ang dami raw ng food na nasa harap ni Barbie na sa rami, hindi niya kayang kaining mag-isa o kahit may kasama pa siya. Paniwala rin ng netizens, si Richard ang kumuha ng photos niya na kanyang pinost sa Instagram.

May nakapag-video na magkasama sina Richard at Barbie at nakipagkita sila kina Maris Racal at Anthony Jennings. Hindi pa tapos ang taping ng Incognito, may mga eksena sa ibang location kukunan. Baka doon na magti-taping si Barbie, unless tama ang sabi ng ibang fans na hindi na siya kasama sa cast ng series.

KathDen, nag-ayuda

Ang teaser muna ng Hello, Love, Again ang paulit-ulit na pinapanood ng fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards habang hinihintay pa ang release ng official teaser sa October. Dahil paulit-ulit ngang pinapanood, umabot na sa 18.6 million ang views ng teaser in all platforms at within 24 hours lang ‘yun.

By now, nadagdagan na rin tiyak ang pre-ticket selling for the said movie na as of Sept. 26, 2024, umabot sa 4.54 million.

Samantala, may bagong ayuda ang KathDen, may TikTok sila ng Maybe This Time at ang ikinatuwa ng fans ay ang maisip na magkasama ang dalawa dahil nag-TikTok nga. Alangan namang magkahiwalay silang nag-TikTok.

Sa Nov. 13, 2024 pa ang simula ng showing ng HLA, masaya tiyak sa mga sinehan na paglalabasan nito lalo na kung magsi-cinema tour ang cast.

vuukle comment

BARBIE IMPERIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with