^

Pang Movies

‘I will not be silenced’ – Sandro

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
�I will not be silenced� � Sandro
Sandro

Isang matapang na mensahe ang ipinost ni Sandro Muhlach matapos ang unang pagdalo niya sa bsa Senate committee on public information hearing last Monday.

“I will not be silenced. The truth will prevail,” he wrote on his Instagram Story.

Last Monday ay nagharap na nga sa Senado sina Sandro at ang dalawang GMA independent contractors na inirereklamo niya ng sexual harassment na sina Jojo Nones and Richard Cruz.

Harap-harapang itinanggi nina Nones at Cruz ang lahat ng pahayag ni Sandro.

Ikinuwento ng anak ni Niño Muhlach ang ibang detalye ng ginawa sa kanya ng dalawang akusado. Aniya, matapos siyang uminom ng wine ay namanhid ang kanyang katawan at hinila siya sa kama ni Nones at doon na nagsimula ang pang-aabuso.

Tinanong ni Sen. Jinggoy sina Nones at Cruz. “You deny?” aniya.

“Yes po, your honor. We deny allegations po. Wala po kaming ginawang masama kay Sandro, your honor,” saad ni Nones.

Aniya ay nakipagkwentuhan lang daw sila kay Sandro ng tungkol sa naganap sa katatapos lang na GMA Gala 2024 nang nagdaang gabi.

Pero ayon kay Sandro ay wala naman daw silang ganu’ng napagkwentuhan. Ipinakikilala raw siya ni Nones kay Cruz at wala na silang ibang napag-usapan.

Itinanggi rin ni Nones na inimbitahan niya si Sandro na pumunta sa hotel room at iginiit naman ni Sen. Jinggoy Estrada na nag-text siya sa aktor at pinapupunta nito sa kwarto ng hotel.

Sinabi rin ni Sandro na tinanggal ni Cruz ang kanyang polo at itinanggi naman ito ng nabanggit na GMA independent contractor.

Sa puntong ito ay napamura na si Sen. Jinggoy at sinabing “hindi na kayo naawa sa bata.”

Halatang nanggigigil na si Sen. Jinggoy at sinabihan ang dalawa ng “you’re lying.”

Ayon pa sa Senador ay malinaw na may sexual assault na nangyari at base rin sa kanyang imbestigasyon ay may drugs involved pa.

Pero nanindigan pa rin si Nones na ang lahat ng ito ay alegasyon lang.

Gerald, sumagot

Naglabas naman ng official statement ang GMA 7 matapos magsalita at magbigay ng pahayag si Gerald Santos sa Senate committee on public information and mass media hearing last Monday.

Sa nasabing hearing ay ikinuwento ni Gerald ang nangyari sa kanya noong 15 years old pa lamang siya. Diretsahan niyang sinabi na siya ay na-rape ng isang musical direktor.

Sa official statement ng GMA ay nakasaad na pinaimbestigahan nila ang reklamo ni Ge­rald noong 2010 at pinarusahan ang naakusahan. Subalit iba raw ang inihaing complaint ng singer at hindi ‘rape’ tulad ng ibinulgar nito sa Senate.

“Naninindigan ang GMA Network laban sa lahat ng uri ng pang-aabuso. Hindi kinukunsinti ng GMA ang anumang uri ng pang-aabuso sa mga artista, personalidad, empleyado, independent contractors, at iba pang stakeholders nito.

“Alinsunod dito ang naging aksyon ng Network matapos nitong matanggap ang formal complaint ni Gerald Santos noong 2010. Agad nagsagawa ng imbestigasyon at matapos nito ay agaran ding ipinatupad ng Network ang nararapat na parusa sa inakusahan. Tinerminate ng GMA ang kontrata ng inakusahan, at hindi na rin siya muling kinuha o binigyan ng trabaho pagkatapos nito.

“Ngunit ang nilalaman ng formal complaint na inihain ni Gerald noong 2010 ay naiiba sa akusasyon niya ng rape na binanggit niya sa Senado. Ngayon lang din nakarating sa kaalaman ng pamunuan ng GMA ang bagay na ito,” ang nakasaad sa statement.

Nilinaw rin ng GMA na hindi nila tinanggal si Gerald at ito mismo ang humingi ng release.

“Nais ding linawin ng GMA ang naging pahayag ni Gerald na natanggal siya sa Network. Siya mismo ang humiling ng early release mula sa kanyang management contract noong 2010, na pinagbigyan ng GMA. Sa parehong taon ay agad din siyang lumabas sa ibang TV network. Dagdag pa rito, sumubok ding bumalik si Gerald sa GMA matapos ang kanyang kontrata sa TV5 noong 2013,” pagtatapos ng network.

Samantala, kahapon ay nag-post naman ng cryptic message si GMA’s Senior Vice President Annette Gozon sa kanyang Facebook account.

“Sorry but we cast based on merit and audience appeal,” pahayag ng executive.

vuukle comment

SANDRO MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with