^

Pang Movies

Goma at Aga, may inaayos na project

Gorgy Rula - Pang-masa
Goma at Aga, may inaayos na project
Richard Gomez

Parang hindi napapagod si Cong. Richard Gomez na paroo’t parito sa Maynila at Ormoc.

Katatapos lang ng fiesta sa Ormoc na kung saan ay ipinagdiwang ang Pina Festival, na halos lahat na mga event doon ay dinaluhan niya.

Halos kasabay rin ng fiesta sa Tacloban, Leyte na dinaluhan din niya.

Sabi ni Cong. Goma nang nakatsikahan namin pagkatapos ng Parade of Lights sa Ormoc, gusto raw talaga niya ang trabaho ng isang Congressman, at marami pa siyang tinatapos na imbestigasyon sa Kongreso.

Ang isa sa katatapos daw nilang inimbestiga ay ang sa West Philippine Sea.

Aminado siyang nangangamba siya sa patuloy na pambu-bully ng China sa ating mga mangingisda at sundalo sa West Philippine Sea.

Lalo na itong imbestigasyon kay Mayor Alice Guo, dapat daw na magmatyag tayo sa ating paligid dahil sa pagdami ng mga Intsik sa ating bansa.

Nilinaw na rin ni Cong. Goma na hindi naman niya tuluyang iwan ang showbiz.

May mga dumadating daw na script sa kanya at pinapabasa raw niya ito sa kanyang management team. Kung okay raw, saka niya ito babasahin.

Basta maganda lang daw ang script at material, puwede siyang gumawa ng pelikula. Hanggang dun lang daw ang kaya niyang gawin, dahil hindi raw talaga pupuwede sa schedule niya ang mag-teleserye.

Puwede raw siyang gumawa ng project na collaboration sa mga dati niyang katrabaho.

“Kami nga ni Aga (Muhlach), nag-iisip kami kung ano ang puwede na­ming gawin together.

“So, every once in a while nag-uusap kami ni Aga, ‘ano kaya ang puwede nating gawin together?” pakli niya.

“Para makita nyo na eto, guwapo… eto ‘yung mga guwapo!” natatawa niyang pahayag.

Puspusan ngayon ang ensayo ng actor/politician sa gym at nagpapayat ito. Mukhang may magandang project siyang pinaghahandaan na posibleng pagsasamahan nila ni Aga Muhlach.

Abangan na lang natin kung ano itong pasabog nilang dalawa.

vuukle comment

RICHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with