Gretchen Fullido nahirapang tumingin, Melissa at Paul Jake sobrang magyakapan!

Sa presscon kahapon ng Game On: The Chevrolet Sonic Celebrity Challenge ng Studio 23, looking good and happy ang showbiz  couple na sina Melissa Ricks and Paul Jake Castillo. Kasama sila bilang two of the celebrity challengers ng nasabing competition/reali­ty show at magkasama sila sa isang team which is the Blue team.

First time na magkasama toge­ther in one show ang mag-sweetheart at sa isang kumpetisyon pa. Mabuti na nga lang at magkakampi sila kaya walang away na naganap at sobrang nag-enjoy sila doing the challenges.

Ang konsepto ng show ay parang road trip bilang Chevrolet car promo nga ito at gamit nila sa pagkumpleto ng tasks and challenges ang bagong Chevrolet Sonic model. Dalawang team bale ang maglalaban to be hailed as the best.

Members ng Blue team sina Melissa and Paul Jake kasama si Gretchen Fullido habang sa White team naman ay sina Andrei Felix, Gretchen Ho, and Fear Factor hunk Manuel Chua ang magkakasama.

Marami silang challenges na ginawa na say nga ni Melissa, sobrang memorable para sa kanya at sobrang nag-enjoy siya.

Paano siya na-convince na sumali sa competition?

“Actually, siya (Paul Jake) ’yung unang sinabihan na kasali siya sa Chevrolet Challenge, and then, after a couple of days, sinabi sa akin ng handler ko na kasama rin ako.

“At first, nag-hesitate ako, and sabi ko nga sa kanya, ‘Sasali ba ako? Baka mag-away lang tayo.’ Kasi alam ko, when it comes to driving challenge, si Paul Jake is driver na talaga. Siguro most guys naman talaga ganun mag-drive, or ako lang talaga scared.

“But in fairness, the challenges were so fun and with Gret­chen along with us, it was so fun also, nakalimutan na naming mag-away,” sabi ni Melissa.

Pero nakakatuwa ang kuwento ni Gretchen Fullido on the contrary ay siya ang nahirapan dahil sobrang sweet nina Melissa and Jake the whole day. At kapag nagagawa nga nila ang isang challenge, magha-hug ang magdyowa at siya ay walang ka-hug.

“’Yung kabilang team magu-group hug pero sa team namin silang dalawa lang ang nagha-hug. So, sabi ko, paano ko?” natatawang kuwento ni Gret­chen.

Ang Game On: The Chevrolet Sonic Celebrity Challenge airs on April 6 and 13, 2013 at 6:00 p.m. on Studio 23.

Coco tumanggap ng P35M kay Angara?!

Ina-acknowledge naman ni Cagayan representative and UNA senatorial bet na si Jack Enrile na talagang malaking tulong sa mga political candidate ang pagkakaroon ng celebrity endorser para mapa­lapit sa mga tao.

Ang nagiging problema lang ay kapag sobrang mahal ng talent fee ng isang artista na tipong hindi na kayang i-afford.

“Something needs to be done as far as the cause of running for office. Masyadong mahal. Hindi abot-kaya ng mga taong naghahangad magsilbi. Mahirap po,” sabi ni Cong. Enrile nang makausap namin last Monday.

Nakarating kasi kay Manong Jack na P35M ang ta­lent fee ni Coco Martin para mag-endorso ng pulitiko. Hindi na nga sila nag-attempt pa dahil hindi nila kaya ang ganun kalaking budget.

“’Yun lang naman po ang nakarating sa amin, na ang talent fee niya ay thirty five million,” he said.

Medyo ikina-shock nga namin ito dahil may statement si Coco na hindi siya tumanggap ng talent fee for endorsing Sonny Angara kaya ano ba talaga ang totoo?

But anyway, ayon kay congressman ay may binabalak silang kuning artista pero hindi pa puwedeng i-reveal dahil hindi pa confirmed.

Pero very thankful naman ang senatoriable na all out ang suporta sa kanya ng kanyang tiyahing si Armida Siguion-Reyna, ang pinsan niyang direktor na si Carlitos Siguion-Reyna na anak ni Tita Midz, at asawa nitong si Bibeth Orteza.

Show comments