Clippers binomba ng Rockets

HOUSTON — Bumomba si Kevin Durant ng 32 points at nagdagdag sina Alperen Sengun at Amen Thompson ng tig-20 markers sa 116-104 paglunod ng Rockets sa Los Angeles Clippers.
Nagtala ang Houston (13-5) ng isang six-point lead sa huling tatlong minuto ng fourth quarter bago nagsalpak si Durant ng magkasunod na tres para lumayo sa 109-97.
Inilapit ni Brandon Ingram ang Los Angeles (4-12) sa 99-109.
Ngunit ang isang off-balance triple ni Durant ang muling nagtaas sa Rockets sa 112-99 sa nalalabing 1:30 minuto ng laban.
Ito ang unang laro ni Ingram sa Clippers matapos sumailalim sa surgery para sa isang heel injury at ayusin ang partially torn Achilles tendon.
Ang two-time All-Star ay kinuha ng Los Angeles mula sa Toronto Raptors noong Setyembre bilang bahagi ng trade para kay Kawhi Leonard.
Tumapos si Ingram na may 16 points at pitong rebounds para sa Clippers na nakahugot kay Darius Garland ng 26 points at walong assists, habang may 19 markers si Rui Hachimura.
Sa iba pang laro, nilapa ng Memphis Grizzlies ang Charlotte Hornets, 117-111; tinalo ng Portland Trail Blazers ang Philadelphia 76ers, 128-111; wagi ang Indiana Pacers sa Oklahoma City Thunder, 125-120; sinuwag ng Milwaukee Bucks ang Toronto Raptors, 116-111; pinapak ng Minnesota Timberwolves ang Brooklyn Nets, 142-116; binangga ng Chicago Bulls ang Cleveland Cavaliers, 122-108; lusot ang Phoenix Suns sa New Orleans Pelicans sa overtime, 123-119
- Latest

















