^

PSN Palaro

Exempted

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Ilang beses na ako nakaapak sa loob ng Malacañang para sa official function.

Palaging tungkol sa sports at laging nandun ang Pangulo.

Isang reminder lang ang dehins ko nakakalimutan: Bawal ang maong.

Yes, mahigpit na ipinagbabawal ‘yan sa Palasyo – sa mga bisita, employees at kahit members ng Malacañang press.

Basta, bawal.

Pero hindi kay Alex Eala, ang ating tennis superstar na dumalaw kay PBBM kahapon.

Naka-maong si Eala at ang kanyang mother dear. Baka dehins nila alam or dehins nasabihan.

Hinarap sila ni PBBM at First Lady Liza Marcos. Masayang okasyon at pinarangalan si Eala matapos ang matagum­pay na kampanya sa Wimbledon.

Hindi nag-champion pero nag-celebrate ang bayan dahil for the first time, meron nang isang homegrown Pinay na luma­laban sa Grand Slam event ng tennis.

Darating ang araw mananalo rin si Eala. At pag nangyari ‘yan, siguradong invited siya ulit sa Malacañang.

Basta si Eala, pwede ang maong.

No problem.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with