^

PSN Palaro

Peace

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Sa bilis ng panahon, eight years na pala ang lumipas mula nung rambulan sa Gilas vs Australia game sa Philippine Arena sa Bocaue.

Matagal pinag-usapan ang insidente. Dehins lang dito kundi sa buong mundo ng basketball.

Black eye.

Marahil eh bakas pa sa memory natin ang all-out brawl na nangyari nung July 2, 2018. Umulan ng suntok at flying kick sa court sa third quarter.

Bago pa man ang game, nagkainitan na ang mga players sa warmup. Kaya dun pa lang, alam mong may kahihinatnan na.

Natapos ang game nang maubusan na ng players ang Gilas sa dami ng ejections at nag-foul out. Panalo ang Australia, 89-53.

Well, again, eight years na pala ang lumipas. Ilang beses na rin sila nag-harap pero last Sunday, first game nila sa Pinas.

Puno ang MOA Arena at ang balita pa nga eh balak manood ni President BBM pero dehins na tumuloy.

Nanalo ang Australia 93-66 sa isang peaceful game na natapos sa high fives at picture taking ng mga players.

Pati ang Pinoy fans, nag-cheer  para sa Australians after the game.

Nabaon na sa limot ang famous na “Basketbrawl” ng 2018.

Forgiven and forgotten.

PEACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with