For the road
Sa pasada ng jeep, last trip ang tawag ditYes, ‘yan ang slogan ng Terrafirma Dyip sa ongoing PBA Philippine Cup. Sa malamang kasi, last conference na ito ng franchise na pumasok sa liga nung 2014.
Kia ang una nitong dala at playing coach pa si Manny Pacquiao.
After 11 years, ready na magpaalam sa PBA ang franchise na twice lang nakatikim ng quarterfinals.
Halos selyado na ang bentahan ng franchise sa Starhorse Shipping Lines at malamang, wala na ang Terrafirma sa pagpasok ng 50th season sa October.
Kaya iba ang feeling ng players at coaching staff nila. May halong lungkot dahil walang kasiguraduhan kung ano ang mangyayari.
Based on PBA rules, dadalhin ng Starhorse ang franchise kasama lahat. Pero ‘yan eh base sa contract mo.
Kung expiring, pwede ma-renew, pwede dehins. Desisyon na ‘yan ng new management.
Nasa team ngayon si Terrence Romeo at Stanley Pringle. Kumbaga sa pusoy, par-alas. Then kicker na lahat.
Maganda ang nilaro ng Terrafirma last Friday at tinalo ang Phoenix sa first game ng Philippine Cup. Maganda sana ang maging huling pasada nila.
Good luck!
- Latest