^

PSN Palaro

Magic pinulutan ng Timberwolves

Pilipino Star Ngayon
Magic pinulutan ng Timberwolves
Nagdagdag si Julius Randle ng 22 points para sa pang-pitong sunod na ratsada ng Timberwolves (39-29), habang may 14 at 12 markers sina Donte DiVincenzo at Rudy Gobert, ayon sa pagkakasunod.
STAR/File

MINNEAPOLIS — Nagsalpak si Anthony Edwards ng 28 points at bumalikwas ang Minnesota Timberwolves para resbakan ang Orlando Magic, 118-111.

Nagdagdag si Julius Randle ng 22 points para sa pang-pitong sunod na ratsada ng Timberwolves (39-29), habang may 14 at 12 markers sina Donte DiVincenzo at Rudy Gobert, ayon sa pagkakasunod.

Humakot si Paolo Banchero ng 43 points at 11 rebounds para sa Magic (31-37).

Matapos kunin ng Orlando ang 90-82 abante sa 10:23 minuto ng fourth period ay naghulog ang Minnesota ng isang 13-0 bomba para agawin ang 95-90 bentahe.

Nakatabla ang Magic sa 98-98 sa huling 3:32 minuto ng laro kasund ang 9-0 atake ng Timberwolves para tuluyan nang selyuhan ang kanilang panalo.

Sa Denver, kumonekta si Jamal Murray ng isang three-pointer sa huling 5.6 segundo, habang inagaw ni Russell Westbrook ang inbounds pass para sa kanyang exclamation-point dunk sa 131-126 panalo ng Nuggets (43-24) kontra sa Los Angeles Lakers (40-25).

Sa Memphis, naglista si Evan Mobley ng 22 points at 11 rebounds sa 133-124 pagtuhog ng Cleveland Ca­valiers (56-10) sa Grizzlies (42-25).

Sa Phoenix, umiskor sina Devin Booker at Kevin Du­rant ng tig-22 points sa 122-106 pagsunog ng Suns (31-36) sa Sacramento Kings (33-33).

Sa San Antonio, nagsumite si LaMelo Ball ng 27 points at 14 assists at nagsalpak ang Charlotte Hornets (17-49)  ng franchise-record na 26 triples para sa 145-134 paggupo sa Spurs (27-38).

Sa Salt Lake City, nagposte si Scottie Barnes ng 20 points at 10 rebounds sa 126-118 pagdakma ng Toronto Raptors (24-43) sa Utah Jazz (15-52).

SPORTS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad