Solomon nag-withdraw sa KOVO

MANILA, Philippines — Nag-withdraw si Natio­nal University opposite spiker Alyssa Solomon sa Korean Volleyball Federation (KOVO) Asian Quota Draft na idaraos sa Abril.

Nagdesisyon si Solomon na mag-withdraw sa KOVO Draft upang ma­panatili ang amateur sta­tus nito sa UAAP Season 87 women’s volleyball tournament.

Nakasaad sa pataka­ran ng UAAP na hindi ma­aaring lumahok ang sinu­mang atleta nito na nag­lalaro sa liga sa anumang draft ng isang professional league.

Kung itutuloy ni Solomon ang kaniyang KOVO draft application ay posib­leng maapektuhan ang pag­lalaro nito sa UAAP.

Kaya naman minabuti na lamang na i-withdraw ang pagsabak ni Solomon sa KOVO Draft at ituon ang kaniyang atensiyon sa pagdepensa ng Lady Bulldogs sa kanilang korona sa UAAP.

Napaulat na tatlong mi­yembro ng UAAP ang pu­muna sa pagsali ni Solomon sa KOVO Draft.

Ngunit hindi malinaw kung anong mga teams ang nag-raise ng naturang usapin.

Show comments