MANILA, Philippines — Pinatibay ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) at ng Japan Volleyball Association (JVA) ang kanilang tambalan para palakasin ang sport sa kontinente.
Pinamunuan kahapon ni Japan Minister at Consul General Takahiro Hanada ang turnover ng mga volleyball supplies mula sa JVA sa bagong PNVF Office sa The Bonifacio Prime sa Taguig City at kay Asian Volleyball Confederation president at FIVB executive vice president Ramon “Tats” Suzara.
Pinasalamatan ni Suzara, ang PNVF chief, ang suporta ni Hamada at ng JVA sa bansa na pamamahalaan ang darating na FIVB Men’s Volleyball World Championships.
“The Philippines is a volleyball country,” ani Suzara. “That’s our main slogan now.” These equipment will fuel the enthusiasm of young players in the provinces”.
Ibinigay ni Hanada ang mga competition volleyballs kay Suzara at kina Alas Pilipinas women’s at men’s team members Thea Gagate, Dawn Catindig, Vince Lorenzo at EJ Casaña sa turnover ceremony.
“Through our program ‘Sport for Tomorrow,’ Japan realizes and harnesses the power of sports as a force for global prosperity and harmony,” sabi naman ni Hamada.
Ang ‘Sport for Tomorrow’ ay isang international exchange at cooperation program sa sports base sa commitment ng Japanese government.
Inilibot ni Suzara ang Japanese consul general sa bagong PNVF Office na tatayo ring headquarters ng 2025 Men’s Volleyball World Championship at magsisilbi ring AVC president’s office.