MANILA, Philippines — Makikipag-ugnayan si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino kina Calapan City Mayor Malou Flores-Morillo at Oriental Mindoro Governor Humerlito Hyn Dolor para mahuli ang pumatay kay obstacle sports racing (OCR) champion Mervin Guarte.
Sinaksak ang 33-anyos na si Guarte habang natutulog sa bahay ng kanyang kaibigan sa Calapan City noong Martes.
“He’s a big loss to Philippine sports, for obstacle sports racing and athletics in particular,” sabi kahapon ni Tolentino sa miyembro ng gold medal-winning men’s relay team ng OCR sa Cambodia 2023 Southeast Asian Games. “I am hoping that the crime would be solved soon.”
Si Guarte ay nagtakbo ng silver sa 1,500 at 800 meters run sa 2011 SEA Games sa Indonesia.
Ipinaabot ni Tolentino ang kanyang pakikiramay kay Philippine Obstacle Sports Federation president Atty. Al Agra na iniluklok na pinuno ng arbitration committee ng POC noong Martes.
Ayon sa POC head, malaking kawalan si Guarte, isang Airman First Class ng Philippine Air Force, sa Philippine Athletics Track and Field Association kung saan niya sinimulan ang kanyang career bilang national athlete.